𝘃𝗶𝗮 𝗩𝗲𝗻𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗮𝗶𝗻, 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗣𝗛
Hindi na bago ang mamangha sa gandang hatid ng mga bulkan. Bilang isang bansang bahagi ng Pacific Ring of Fire, napalilibutan tayo ng mga nag-gagandahan, ngunit mapapanganib na bulkan. Ilang taon lang ang nakaraan nang may bulkang pumutok ng napakalakas, ngunit magpahanggang ngayon ay nababalot pa rin ang ating bansa sa kadiliman ng kahapon.
Muling ipinagbawal ang pagpasok sa
4 kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ), mula sa bukana ng bulkang Kanlaon. Ito ay dahil sa dalawang beses na lindol na naitala sa bulkang ito araw ng lka-2 ng Hulyo, taong 2025.
Bilang paghahanda sa posibleng panganib na dala ng bulkang Kanlaon, ipinalilikas din ang mga nakapaloob sa 6 na kilometrong radius mula sa tuktok ng bulkan. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pamamaga ng bulkan ay maaaring mag dulot ng biglaang pag-ulan ng abo, pagbuga ng lava, at pagsabog.
Natural na sa mga bulkan ang magpakita ng kagandahan at panganib. Ngunit ang hindi natural ay ang tao mismo ang lalapit sa panganib.
Gaya ng bulkang Kanlaon, ang bulkang Mayon ng Bikol ay kilalang pasyalan na sapat upang dayuhan ng mga turista.
Hindi ito nangangailangan ng mga pailaw upang mag-ningning ang ganda nito at balik-balikan ng mga tao.
Kulang ang isang tahanan kung walang ilaw. Ngunit ang Bulkang Mayon, ay ang mismong ilaw ng bikol. Lumiliwanag na hindi dulot ng pera, bagkus ng pagiging natural at hindi pagpapakitang tao.
Bagama’t maganda ang hangarin ng proyektong pailaw sa Bulkang Mayon, nararapat na mas tutukan ang mga mamamayan na nasa paligid nito. Hindi man aktibo ang Mayon tulad ni Kanlaon, ang mga mamamayan din na malapit dito ang maapektuhan ng proyektong ito. Mas mabuti pa ngang hayaan nalamang ito, kaysa bigyan ng panibagong problema.