Tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang hamon ni Davao City Acting Mayor Sebastian "Baste" Duterte na suntukan.
Ipinahayag niyang gawin itong boxing match for a cause at ang pondong malilikom ay ilalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Crising at habagat.
Handa umano siyang sumabak sa 12-round boxing match.
Kapag matutuloy, gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa darating na Hulyo 27, alas‑9 ng umaga.