Back to News
Sports

Kyrie Irving, muling lalarga sa Dallas sa $119M na kontrata sa loob ng 3 taon

7 days ago
2 min read
Kyrie Irving, muling lalarga sa Dallas sa $119M na kontrata sa loob ng 3 taon

𝗩𝗶𝗮 𝗝𝗲𝘃𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱 𝗙𝗼𝗹𝗹𝗮𝗻𝘁𝗲

Sa kabila ng iniindang ACL injury, mananatili si Kyrie Irving sa Dallas Mavericks matapos tanggihan ang kanyang $43 milyon na player option at pumirma ng panibagong tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $119 milyon, ayon sa ulat ng ESPN nitong Miyerkules, Hunyo 25.

Ayon sa parehong ulat, may kasamang player option si Irving para sa 2027-28 season na magbibigay sa kanya ng kakayahang muling suriin ang direksyon ng kanyang karera.

Bagama’t kasalukuyang nagpapagaling mula sa natamong torn ACL noong Marso, inaasahang makakabalik ang 33-anyos na point guard sa aksyon pagsapit ng Enero 2026.

“It’s a long-term commitment from both sides,” ani Irving sa panayam ng ESPN.

“I want to build a legacy here. I believe we can win a championship in Dallas.” giit pa niya.

Bago ang injury, nagtala si Irving ng 24.7 puntos, 4.8 rebounds, 4.6 assists, at 1.3 steals sa 50 laro bilang starter sa regular season.

Sa loob ng tatlong season niya sa Dallas, nagtala siya ng kabuuang average na 25.5 puntos, 4.9 rebounds, 5.1 assists, at 1.3 steals sa 128 regular season games.

Noong 2024 NBA Playoffs, nagtala siya ng 22.1 puntos, 5.1 assists, at 40 minutong playing time sa bawat laro habang tinulungan ang Mavericks na umabot sa NBA Finals, kung saan natalo sila ng Boston Celtics sa limang laro.

Bilang No. 1 pick sa 2011 NBA Draft mula sa Duke University, si Irving ay naging NBA Rookie of the Year at naging susi sa titulo ng Cleveland Cavaliers noong 2016.

Sa kabuuan ng kanyang karera, nagtala siya ng 23.7 puntos, 5.6 assists, at 4.1 rebounds kada laro sa mga koponang Cleveland, Boston, Brooklyn, at Dallas.

Ayon sa ESPN, ang bagong deal ni Irving ay maghahandog sa Dallas ng salary cap flexibility, kabilang ang posibilidad na magamit ang $5.7 milyon taxpayer midlevel exception para sa panibagong point guard habang siya’y nagpapagaling.

Inaasahang bubuo ang Mavericks ng bagong trio sa tulong ni Irving, 10-time All-Star Anthony Davis, at projected No. 1 pick na si Cooper Flagg sa darating na 2025 NBA Draft.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

𝗪𝗥𝗘𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦 | Filipinas maul Saudi Arabia's defensive wall to nab AFC WAC qualifiers opening victory

The Philippines shattered Saudi Arabia's ironclad defense, coasting to a dominating 3-0 win in Group G of the AFC Women’s Asian Cup qualifiers opening in Cambodia, yesterday.

PNBO 2025, sasalang ngayong Hulyo; Higit 500 shuttlers tataya para sa ₱1M premyo, national team slot

Mahigit 500 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa Philippine National Badminton Open (PNBO) 2025, na gaganapin sa Hulyo 7–12 sa Rizal Memorial Complex, kung saan nakataya ang ₱1 milyon premyo at pambihirang pagkakataon na makapasok sa national team.