๐๐ถ๐ฎ ๐ฅ๐ฎ๐ฝ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น ๐ฅ๐๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ถ๐น, ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ ๐ฃ๐
Nagkagulo sa pagitan ng dalawang grupo sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City nitong Martes, June 24.
Ayon sa ulat ng Balitanghali ni Oscar Oida, nagdulot ng basag na bote at mga nasugatan ang insidente.
Agad namang naipagkaloob ang paunang lunas, habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay ng insidente.
Samantala, nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang sa ibaโt ibang bahagi ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora.
Itinakda ang "basaan" sa takdang oras mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Bawal na rin sa mga kalahok ang magbukas ng mga kotse at buhusan ng tubig ang mga driver nang hindi inaasahan, gayundin ang paggamit ng maruming tubig, basag na bote, yelo, plastik na lalagyan, high-pressure water sprayers, o anumang kagamitang maaaring makapinsala.
Ipinatupad din ang liquor ban sa lungsod mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-2 ng hapon noong Martes.
Maaaring pagmultahin ng P5,000 at makulong nang hanggang 10 araw ang sinumang lalabag.
Ang Wattah Wattah Festival ay isang taunang pagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo sa San Juan City bilang pagpupugay sa kanilang patron na si San Juan Bautista.
Bilang pag-alala sa pagbibinyag kay Hesukristo, isa sa mga tampok sa festival ang "basaan" o ang pagbubuhusan ng tubig.