Lilib ang inabot ng kahapon,
Reporma'y nabalot ng ambon.
Mula sa paglipad, si maya’y saksi—
Sa sansinukob niyang pakiwari:
“Nangangapa ako’y sa huli, basang sisiw sa gilid”.
Maya, ang tawag sa kaniya
“Sakit daw, salot sa lipunan,” — bulong ng ilan sa kanan.
Kung basa si Maya sa ilalim ng puno,
Sigurado, may bagyong nanalasa rito.
Maya, natuto kang mamuluktot,
Sa sistemang nakulob; ika’y bagwis sa dulo.
Ngunit sa bawat patak; may dagaw sa daungan—
May kamay na handang dumamay at tumangan.
Sa silong ng ulap, si Maya’y nakasilip,
Basa ang balahibo, ngunit may titig na matalim.
Kung basa si Maya sa tuktok ng sanga,
Paano pa kaya ang tao sa kalsada?
Naglakad si Maya’t malayo,
Naghahanap ng kalinga’t pagbabago.
Sumilong ka; ang signos ay pighati,
Ang mga paa niya’y nagkukubli.
Parang sardinas ang mga ibon,
Dahil sa ulong maririkit.
Kung sasabihin mo sa akin, Maya—
Nilulunod na ba tayo ng mga ulang walang pagbabago?
Sa bawat lagaslas ng tubig sa kalsada,
May tapik ng palad, may sigaw ng pagkalinga.
Basang-basang dumapo, sa mga luhang bato-bato
Kahit baha’y lampas-tuhod, may pusong puno.
At sa isang dulo ng alulod, si Maya’y nagtatanong:
“Tikatik sumisibol, dampol kung totoo.”
Sa dulo ng ulan, may araw na sumisilip,
Sa bubong ng bahay, may pag-asa ang bawat himig.
Siguro, ang mga Pilipino’y mapagpumiglas—
Hindi sa bagyo, kundi sa pagbabagong animo.
Pagkat sa lipad niyang kahit basa,
Nagtatanong siyang mariin at busabos.