via Jevin Alfred Follante, Pressroom PH
Muling umalagwa si Armand โMondoโ Duplantis ng panibagong world pole vault record matapos magsumite ng 6.28 metro sa Diamond League event sa Stockholm, Sweden nitong Lunes, Hunyo 16.
Sa harap ng kanyang mga kababayan, pinaliyab ni Duplantis ang Olympic Stadium matapos niyang malundag ang 6.28 metro sa unang subok upang burahin ang nauna niyang record na 6.27 metro noong Pebrero.
Bumida ang American-born Swedish phenom mula sa simula, kung saan hinikayat niya ang mga manonood na sumabay sa bawat pagtalon, at ginantihan naman siya ng dumadagundong na suporta sa bawat bitaw at buwelo.
Tanging si Kurtis Marschall mula Australia ang lumapit sa lebel ni Duplantis ngunit hindi rin kinaya ang 6.00 metro sa itinalang best clearance na 5.90.
Sa huling pagtatangka sa 6.28 metro, walang alinlangang pinako ni Duplantis ang bar, sabay nagdiwang habang tinatanggal ang kanyang singlet na sinalubong ng yakap ng kanyang pamilya at kasintahan sa kanyang unang world record sa mismong sariling bansa.
โThis was one of my biggest goals and dreams, to set a world record here at Stadion. Itโs like the Olympics and Stadion, theyโre the same level for me.
I really wanted to do it, I had my whole family here, from both sides, itโs magic, itโs magic,โ ani Duplantis.
Bagamat malinis ang ginawang talon, inamin ni Duplantis na hindi niya agad inakalang nalampasan niya ang bar.
โEvery time I broke the world record, I felt it in my first jump that โthis could be the dayโ, but today it felt a little tougher.
It didnโt feel that natural from the beginning, it didnโt feel great in my legs, but I only needed one (try),โ dagdag pa niya.
Ito ang ika-12 pagkakataon na sinelyuhan ni Duplantis ang kanyang bagong world record sa larangan ng pole vault.