Back to News
Sports

Baguio-Tagaytay PhilCycling Classic aarangkada sa Hunyo 23; 292 kilometrong ruta, babaybayin

16 days ago
2 min read
Baguio-Tagaytay PhilCycling Classic aarangkada sa Hunyo 23; 292 kilometrong ruta, babaybayin

via Jevin Alfred Follante, Pressroom PH

Sisiklab ang aksiyon sa lansangan sa pagbubukas ng Baguio-Tagaytay PhilCycling Classic, kung saan 292 kilometrong ruta ang lalakbayin ng mga elite cyclist mula hilaga hanggang timog sa pinakamahabang road race sa kasaysayan ng bansa ngayong Hunyo 23.

Ang nasabing karera ay magsisimula sa Camp John Hay sa Baguio City at matatapos sa Crisanto de los Reyes Avenue, Tagaytay City, sa harap ng bagong tayong Tagaytay City Velodrome.

Kasali sa karera ang 30 na pinakamahusay na siklistang nagtapos sa Tour of Luzon: The Great Revival na ginanap noong nakaraang buwan.

Ang kabuuang premyo ay nagkakahalaga ng P870,000, kung saan P100,000 ang ibubulsa ng kampeon, P75,000 sa kakanti ng ikalawang pwesto, at P70,000 sa mag-uuwi ng ikatlong pwesto.

Dagdag pa rito, tatanggap din ng P5,000 consolation prize ang pinakahuling tatapos sa karera bilang pagkilala sa pagtatapos ng buong ruta.

Mayroong 10 intermediate sprints na may tig-P10,000 premyo sa unang tatawid, na nagbibigay ng dagdag P100,000 bonus prize sa mga sisiklab sa kalagitnaan ng ruta.

Ayon kay PhilCycling at POC President Abraham “Bambol” Tolentino, layunin ng karera na ipamalas ang bilis at tibay ng mga elite cyclist ng bansa.

“It’s a race of speed, endurance and everything an elite cyclist has in his arsenal,” ani Abraham na mayor din ng Tagaytay City.

Ang karera ay bahagi ng mas malawak na selebrasyon para sa Olympic Day, World Bicycle Day, at ika-87 Charter Day ng Tagaytay City sa Sabado, Hunyo 21.

Kasabay ng karera, bubuksan din ang Tagaytay City Velodrome bilang bagong pasilidad para sa mga pambansang kumpetisyon sa pagbibisikleta.

Isasagawa rin sa parehong araw ang contract signing ng mga atleta ng Pilipinas, sa ilalim ng Olympic Solidarity Scholarship Program, isang inisyatiba para sa paghahanda tungo sa Los Angeles 2028 Olympics.

About the Author

S

Selwyn Cjay E. Rayray

Rayray is a passionate student journalist who strives to amplify youth voices and bring forward stories that matter. Through his careful, creative, and responsible approach, he helps foster understanding, inspire action, and make a positive difference in his community.

You Might Also Like

𝗪𝗥𝗘𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦 | Filipinas maul Saudi Arabia's defensive wall to nab AFC WAC qualifiers opening victory

The Philippines shattered Saudi Arabia's ironclad defense, coasting to a dominating 3-0 win in Group G of the AFC Women’s Asian Cup qualifiers opening in Cambodia, yesterday.

PNBO 2025, sasalang ngayong Hulyo; Higit 500 shuttlers tataya para sa ₱1M premyo, national team slot

Mahigit 500 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa Philippine National Badminton Open (PNBO) 2025, na gaganapin sa Hulyo 7–12 sa Rizal Memorial Complex, kung saan nakataya ang ₱1 milyon premyo at pambihirang pagkakataon na makapasok sa national team.