Back to News
Sports

8 Pinoy lawn bowlers lalahok sa Lion City Cup sa Singapore

9 days ago
2 min read
8 Pinoy lawn bowlers lalahok sa Lion City Cup sa Singapore

𝗩𝗶𝗮 𝗝𝗲𝘃𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱 𝗙𝗼𝗹𝗹𝗮𝗻𝘁𝗲

Walong pambato ng Pilipinas ang nakatakdang sumabak sa 8th Lion City Cup, ang pinakamalaking lawn bowls tournament sa Singapore, na gaganapin mula Hulyo 6 hanggang 12 sa Kallang Lawn Bowls Green at Tanglin Club Sports Center.

Binubuo ng mga beterano at bata, aarangkada para sa Pilipinas sina Ainie Knight at Marisa Baronda-Johnson (women’s pairs), Elmer Abatayo at Ronald Lising (men’s pairs), James Christian Andia at Angelito Barro II (U25 boys pairs), at Angeleca Abatayo at Andrea Abatayo (U25 girls pairs).

Ikinatuwa naman ng Philippine Lawn Bowls community ang muling pagsabak ng bansa sa prestihiyosong torneo kung saan ilang beses nang nakapag-uwi ng medalya ang Pilipinas, kabilang ang podium finishes ng duo nina Baronda at Rosita Bradborn sa mga nakaraang edisyon.

“It’s going to be a tough competition with Australia, New Zealand, Malaysia, Hong Kong, Thailand, and India, these are powerhouse countries,” ani Ronalyn Greenlees, team manager at Level 2 international coach.

“Even host Singapore has improved a lot. Of course, the Philippines is also strong. So we just continue training. Like what they say, the ball is round,” dagdag pa ni Greenlees, na dati ring multi-medalist sa international lawn bowls competitions.

Ang torneo ay kinikilala ng World Bowls at may kalakip na world ranking points para sa mga mananalo, dahilan kung bakit inaasahang magiging mahigpit ang labanan sa bawat event.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

𝗪𝗥𝗘𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦 | Filipinas maul Saudi Arabia's defensive wall to nab AFC WAC qualifiers opening victory

The Philippines shattered Saudi Arabia's ironclad defense, coasting to a dominating 3-0 win in Group G of the AFC Women’s Asian Cup qualifiers opening in Cambodia, yesterday.

PNBO 2025, sasalang ngayong Hulyo; Higit 500 shuttlers tataya para sa ₱1M premyo, national team slot

Mahigit 500 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa Philippine National Badminton Open (PNBO) 2025, na gaganapin sa Hulyo 7–12 sa Rizal Memorial Complex, kung saan nakataya ang ₱1 milyon premyo at pambihirang pagkakataon na makapasok sa national team.