Lakas ng loob, oo, pero saan?
Para sa likes, hindi sa bayan.
Boses malakas, ngunit hungkag ang laman,
Naglilingkod daw, pero sarili ang pangangailangan.
Imahe inuuna, hindi integridad,
Mas mahalaga ang opinyon ng tao kaysa gawa ng tapat.
May dalang mikropono ngunit ‘di marunong makinig,
Panay ng sigaw, “ako ang lider!” wala namang inilikha kundi ingay at pilig.
Diploma ng papuri ang tanging layunin,
Gamit ang titulo para sa tingin.
Kahit ang proyekto’y gawa ng iba,
Pag may kamera, sila daw plumano, ha?
Epalo sa admin, epalo sa guro,
Pero wala sa tunay na serbisyo.
Lider daw ng masa,
Pero ‘pag walang spotlight, wala.
Rekomendasyon lang ang habol, ‘di rebolusyon,
Laging event nasa unahan, kahit walang kontribusyon.
Mga lider na ginawang stage ang posisyon,
At ang taong-bayan? Ginawang props ng kanilang ambisyon.