𝙑𝙞𝙖 𝙅𝙚𝙫𝙞𝙣 𝘼𝙡𝙛𝙧𝙚𝙙 𝙁𝙤𝙡𝙡𝙖𝙣𝙩𝙚
Sasalang sa panibagong hamon ang Alas Pilipinas men’s volleyball team sa 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Men’s Nations Cup na gaganapin sa Manama, Bahrain ngayong araw, Hunyo 17.
Kasunod ng makasaysayang silver medal finish ng Alas Pilipinas women’s team sa katatapos na AVC, hangad ngayonng kalalakihan na makaakyat sa kasaysayan matapos ang ikasampung pwesto sa nakaraang 2025 Challenge Cup at upang paghandaan ang 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship dito sa Pilipinas ngayong Setyembre.
Makakabilang ang koponan ng Pilipinas sa Pool C, kasama ang Chinese Taipei at Pakistan, kung saan kailangang walisin ng ng Alas ang dalawang laban upang makausad sa susunod na yugto ng torneo.
Narito ang 14-man lineup ng Alas:
- Marck Espejo (kapitan)
- Buds Buddin
- Louie Ramirez
- Jackson Reed
- Leo Ordiales
- Steven Rotter
- JP Bugaoan
- Lloyd Josafat
- Kim Malabunga
- Peng Taguibolos
- Eco Adajar
- Owa Retamar
- Jack Kalingking
- Josh Ybañez
Susubukang ibulsa ng Alas Pilipinas ang kanilang unang panalo laban sa Pakistan ngayong araw, at sasagupa naman sila bukas kontra Chinese Taipei, Hunyo 18.