via Samantha De Castro, Pressroom Philippines
Patuloy ang pag-iral ng mainit na panahon. Naitala ng Department of Health (DOH) ang 118 na kaso ng heatstroke sa Manila noong nakaraang tag-init, buwan ng Abril 2025.
Ang Heatstroke, heat rash, heat cramps, heat syncope, at heat exhaustion, ay ilan lamang sa mga makukuhang sakit dahil sa mainit na panahon.
Isinasaad sa artikulong inilathala ng Philippine Atmospheric Graphical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), ang pag-iral ng init sa Pilipinas ay sanhi ng pagiging isang tropikal na bansa ng Pilipinas. Nakasentro ang Pilipinas sa ekwador kung saan ang mga bansa rito ay nakararanas lamang ng dalawang klima: tag-init at tag-ulan, sa buwan ng Abril hanggang Hunyo ang tag-init at tag-ulan naman ang natitirang buwan ngunit dahil sa climate change o pagbabago ng panahon, nadarama na ito sa Pilipinas. Sa katunayan, noong buwan ng Disyembre, naitala ang temperaturang 38.5°C, pinakamataas na naitala sa buwan na inaasahan ang pag-iral ng malamig na panahon.
Sa datos na inilabas ng DOH, naitala ang mahigit 300 na kaso ng heatstroke sa bansa noong nakaraang taon. Ayon sa mga eksperto, sanhi ito ng patuloy na pagtaas ng temperatura, hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo. Ang matinding init ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit gaya ng heatstroke, na nakukuha dahil sa sobrang init na nadarama ng ating katawan. Tinuturing na normal na temperatura ang 36.1-37.2 C° ating katawan ngunit kapag lumagpas ito sa itinakdang normal na temperatura ay magdudulot na ito ng heatstroke.
Inilalarawan ang lagnat bilang isang mekanismo ng katawan upang labanan ang impeksyon o mas malalang sakit at ito nga ang nagiging tugon ng katawan. Isa pang madalas na maitalang sakit dahil mainit ang panahon ay heat rash o bungang- araw, isa itong epekto ng init sa katawan, kadalasang nagkakaroon ng pantal ang mga parte ng katawan, maliliit na bilog bilog at mapula-pula ang pisikal na epekto ng matinding init ng panahon.
Nakasasama man sa kalusugan ay nagkakaroon ito ng kontribusyon sa ating kapaligiran, nagagamit ang matinding init sa paglikha ng kuryente sa pamamagitan ng mga solar panels kung saan ang init na nanggagaling sa araw ay ginagamit upang makalikha ng kuryente.
Mas bumababa ang presyo ng kuryente sa isang bahay na may solar panels dahil nanggagaling ang kuryente mula sa araw at tinatawag na mga renewable resources. Ang init din ay mahalaga sa mga lugar na madalas isang taong nakararanas ng taglamig, kagaya ng mga bansang Atlantic, at mga bansa sa hilaga at timog pole o ang mga lugar na nakasentro sa dulong bahagi ng mundo. Mahalaga ito sa kanila at labis na hinahangad nang sa gayon ay makaranas din sila ng kaunting init kahit papaano.
Ang tinatawag na ozone layer ay proteksiyon ng ating mundo sa atin laban sa matinding sikat ng araw na maaaring pumatay sa lahat ng bagay na nabubuhay. Isa sa dahilan ng pagkasira nito ay ang paggamit ng mga chlorofluorocarbons (CFC) o mga kemikal na nakaaapekto sa ozone layer, dagdag din dito ang polusyon na nagmumula halimbawa sa mga pabrika na naglalabas ng carbon dioxide, sulfur chloride, at iba pang kemikal na nakasisira sa ozone layer. Dahil dito, unti- unting nasisira ang kumot na nagbibigay proteksiyon sa mundo kaya nakararamdam ang tao ng hindi normal na pagtaas ng temperatura
Pagpapahalaga at pag-iingat sa mga bagay sa mundo ay dapat na isaisip ng bawat isa, mula sa ating ari-arian at yamang bigay ng kalikasan. Ang tag-init ay papalapit na, asahan ang mas mataas na temperatura sa mundo kaya't mag-ingat at ingatan ang sarili sa panahon ng tag-init.
Hit na hit sa init, kahit na ang panahon ay dapat malamig.