Tumatawa ka, 'di ba? Aminin mo na nakiki-uso ka lang sa bago. Wala namang masama roon.
Pero sa araw-araw mong ginagamit ang mga katagang ito, natanto mo ba ang katotohanan nito? Siguro dahil nga uso, ginagagawa mo lamang siyang bahagi ng iyong expresyon.
May narinig ka...
"Aray ko!"—mula sa pinakikinggan niyang kanta, sa mga patamang pahayag ng mga sikat na personalidad sa mga telebisyon, hanggang sa mga simpleng bagay na palaging binabanggit o sinasagot ng taong nasa paligid.
Napakarami ang maaaring magiging kahulugan nito—pero ano ang totoo? Ano ang nais iparating nito sa atin?
Simula nang umusbong ito, naiiba na ang ibig sabihin nito. Natatamaan ka pero iba naman ang tugon mo. Sa estado ngayon, malawak na ang pagkakaintindi mo at ng mga taong nakapaligid—sa puntong hindi na matukoy ang tunay na diwa sa likod nito.
Sandali, meron ka namang narinig... "Aray ko!"
Siguro, magtataka ka na. Magtatanong ka na sa totoo lang.