Idineklarang panalo si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa inaabangang ‘Boxing for a Cause: Laban Para sa Nasalanta’ laban kay Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte, matapos hindi sumipot si Duterte sa nakatakdang laban nitong Linggo.
Pumasok si Torre sa ring bandang 10:30 a.m., at matapos ang 10-second countdown, idineklara siyang panalo habang ang kaparehang kandidatong si Duterte ay hindi sumipot.
Bago ang laban, ipinahayag ni Duterte na hindi siya makadadalo ngayong linggo ngunit maaaring ilipat ang araw ng laban sa Martes o Miyerkules.
Higit pa rito, naglagay ng kondisyon si Duterte na ipag-utos ni Pangulong Marcos ang hair follicle drug test para sa lahat ng elected officials ngunit hindi tinugunan ang kondisyong ito ni Torre.
Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), umalis si Duterte patungong Singapore noong Biyernes ng umaga, ilang araw bago ang nakatakdang laban.
Ayon kay Torre, mahigit ₱300,000 ang nalikom mula sa entrance fees, habang mahigit ₱16 milyon ang donasyon mula sa iba’t ibang kumpanya at sponsor.