Back to News
Sports

Eala rumatsada, kinapos kay Joint sa makasaysayang Eastbourne Final

5 days ago
2 min read
Eala rumatsada, kinapos kay Joint sa makasaysayang Eastbourne Final

𝘃𝗶𝗮 𝗥𝗼𝗻𝘇𝗲𝗹 𝗖𝗹𝗲𝗻𝘁

Sa unang pagkakataon, may Pinay na dumiretso sa huling yugto ng isang WTA Tour — pero ang tropeyo’y lumipad sa kabilang net.

Bigo si Alexandra Eala na makumpleto ang pambihirang pag-akyat matapos matalo kay Maya Joint, 6-4, 1-6, 7-6(10), sa 2025 Lexus Eastbourne Open finals nitong Hunyo 28 sa Devonshire Park Lawn Tennis Club sa United Kingdom.

Bitbit ang pag-asa ng buong Pilipinas, pinatunayan ng 20-anyos na kaliwetang mula Quezon City na hindi na siya basta “rising star,” kundi banta na sa pinakamahuhusay sa mundo — kahit pa isang mini-break lang ang pagitan mula sa kasaysayan.

Galing sa dominanteng panalo kontra kay Dayana Yastremska sa quarterfinals at tatlong-set na giyera laban kay Varvara Gracheva sa semis, muling ipinamalas ni Eala ang tapang at tiyaga sa isang dikdikan ding championship match.

Umabot ang laban sa deciding tiebreak kung saan nagtabla sa 8-all, pero ang 19-anyos na right-hander mula Australia ang unang nakalamang ng mini-break at sinelyuhan ang panalo sa 10-8.

Matapos ang kabiguan sa unang set, nagliyab si Eala sa ikalawa sa score na 6-1 at nagtala ng 27 return points upang isalba ang laban.

Gayunman, kinapos siya sa kabuuang puntos na 47.4% kumpara sa 52.6% ni Joint, kabilang ang mas mababang porsyento sa mga clutch point sa tiebreak.

Bagamat bumaba sa WTA 250 level ang Eastbourne ngayong taon, nanatili itong isa sa pinakamahigpit na preparasyon sa damuhan bago ang Wimbledon, at dito nagmarka si Eala ng kasaysayan para sa Pilipinas.

Susunod na sasalang ang Pinay pride sa Wimbledon main draw, dala ang lakas ng loob, mas matalas na grass-court experience, at dasal ng sambayanan sa posibilidad ng isang Grand Slam breakthrough.

About the Author

P

Pressroom Philippines

Illuminating truth, voiced by the youth — a new generation of storytellers driven by passion, purpose, and the power of perspective.

You Might Also Like

𝗪𝗥𝗘𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗧𝗥𝗘𝗦𝗦 | Filipinas maul Saudi Arabia's defensive wall to nab AFC WAC qualifiers opening victory

The Philippines shattered Saudi Arabia's ironclad defense, coasting to a dominating 3-0 win in Group G of the AFC Women’s Asian Cup qualifiers opening in Cambodia, yesterday.

PNBO 2025, sasalang ngayong Hulyo; Higit 500 shuttlers tataya para sa ₱1M premyo, national team slot

Mahigit 500 manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa Philippine National Badminton Open (PNBO) 2025, na gaganapin sa Hulyo 7–12 sa Rizal Memorial Complex, kung saan nakataya ang ₱1 milyon premyo at pambihirang pagkakataon na makapasok sa national team.