Isang bihirang pangyayari sa panahon ang pagkakaroon ng “sayaw ng dalawang bagyo” o mas tinatawag na Fujiwara Effect, kung saan nagkakaroon ng interaksyon o hakatan sa isa’t isa ang dalawang bagyo.
Sa ngayon, hindi makakilos papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Emong’ dahil sa interaksyon o paghila dito ni bagyong ‘Dante’.
Inaasahang magtatagal ang bagyong Emong nang ilang araw sa West Philippine Sea at hahabulin ni Emong si Dante kasabay ng posibleng pagtama nito sa bahaging parte ng Ilocos Region sa Biyernes, at sa Extreme Northern Luzon ngayong linggo.
Dahil sa dalawang bagyo, asahan pa rin ang matitinding pag-ulan na dala ng pinalalakas ng habagat na patuloy makakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon sa partikular na kanlurang bahagi.
Manatiling alerto at handa sa banta ng mga biglaang pagbaha at mga pagguho ng lupa.