Kasing lamig ng sorbetes ang yakap ng gabi,
Sa pusong linamon ng bansang walang silbi.
Araw ay parang kalayo, hindi ilaw ang pag-asa,
Sa bawat sikat nito, gutom ay sumisikap.
Hininga ng pag-asa’y akala’y natin mapreska,
Sinasakal pala ng trapiko’t usok.
At ang pangarap ay tila’y palaging naka tali sa alikabok.
Iniluluha ng langit ang habagat na wala sa lupa,
Subalit dulot nito’y baha.
Reloheng sirá sa dingding ng pulitika,
Laging huli sa pagtupad ng ipinangako.
Ako’y isang bangkang papel sa gitna ng unos,
Sumisiksik sa tubig ng walang lunos.
Palad kong tuyong-tuyo ay sinalo ng mga bituin,
Na para ba ang kalangitan ay nabubulag din.
Aking tinig, isinulat ng ginhawa,
Na tila bang wala namang ibig dinggin.
Ngiti kong kasinglinaw ng pekeng katotohanan,
Habang sa loob, sikmura ko’y sinisigaw ang katotohanan.