Gusto ko na lang lumipat sa Switzerland.
Sa bayan na tila may gatas at pulot ang daan,
kung saan ang trapiko ay hindi kaaway,
at ang pamahalaan ay tunay na kaagapay.
Gusto ko na lang lumipat sa Switzerland.
Doon kaya'y walang buwayang nagpapanggap na kaibigan?
Walang jetski na naiwan sa karagatan?
Walang pusong bato na nagnanakaw ng yaman?
Walang kalungkutang tila walang hanggan?
Marahil, ang hustisya roon ay mabilis at matuwid,
hindi tulad rito na parang bulag at bingi sa daigdig.
Ang sigaw ng pag-asa ay tila bulong na lamang sa kanila,
sapagkat ang inaasahang tagapagtanggol,
ay sila pa mismong nagpapahirap sa masa.Malayo sa bayan kung saan—
ang batas ay para lang sa mayayaman,
at ang maliliit ay pinagsasamantalahan.
Gusto ko na lang lumipat sa Switzerland.
Ano ang saysay ng pagmamahal sa bayang
Gusto ko na lang lumipat sa Switzerland.
Hindi lamang sapagkat ako'y naghahanap ng bagong tirahan,
ako'y naghahanap din ng bagong pag-asa.
Naghahanap ng gobyernong tunay na kakalinga,
sa mga tulad kong maralita.
patuloy na sinasaktan ang sarili niyang mamamayan?
Ako'y kabilang sa milyong populasyong umaasa—
na balang araw, ang bayan ay magiging payapa at masagana,
na balang araw, hindi ko na kailangan pang tumingin sa ibang bayan.
Ngunit,
hindi ko na kaya.
Tulungan mo ako.
Gusto ko na lang lumipat sa Switzerland.