๐๐ถ๐ฎ ๐ ๐ถ๐ธ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฒ๐ป๐ ๐. ๐๐ถ๐บ๐ฒ๐ป๐ฎ
Libak na pagtingin, angat ang kilay sa bawat tahimik na pamumuhay.
Kailan naging kasalanan ang pagiging kakaiba? Siyempre, sa matang mapanghusga. Nakakadena sa pang-aalipusta ang buhay ng isang naiiba. Iba sila kung tingnan at tratuhin, tila laging may layong paghusga. Pilit inaako ang bawat salitang nang-uuyam habang patuloy ang pagngiti โ walang nakauunawa, walang pakialam.
Salungat sa ugaling kilala ang Pilipinas sa hospitalidad, marami ang sarado ang isipan sa mga PWD o Persons with Disability. Sa kasalukuyan, sa bawat 20 Pilipino, tatlo ang naitatalang may espesyal na pangangailangan, ngunit milyon ang nananatiling pipi at bulag sa tamang pakikitungo sa kanila.
Bagamaโt dumarami sila, lalo ring tumatalim ang tingin ng madla.
Marahil ay mas napapansin mo na ang kanilang pilit na mga ngiti โ dahil sa kabila ng kanilang katahimikan, patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang PWD sa bansa. Ayon sa National Council on Disability Affairs (NCDA), lumobo sa 2.5 milyon ang bilang nitong Hunyo 2025, mula sa 1.64 milyon noong 2023.
Pagpatak ng Lunes
Ang mga kabataang PWD sa Metro Manila ay hindi maipinta ang presentableng mukha sa lipunan, lingid sa musmos na isipan ang diskriminasyon sa bayang kinabibilangan. Silaโy mga estudyanteng hirap humakbang sa paaralan dahil sa pangungutya. Ayon sa DepEd NCR, umakyat sa 2,500 ang nairekord na kaso ng bullying sa mga paaralan noong school year 2024โ2025, mula sa 2,268 noong nakaraang taon.
Trabahong dapat na saklay ang pumipilay sa maginhawang buhay.
Subukang Kumita Kahit Sabado
โAng kapansanan ay hindi kawalan ng kakayahan,โ ika nga nila โ pero subukan mo kayang ibulalas ito sa taong itinakwil sa hanapbuhay. Hindi dahil sa kakulangan ng talento, kundi dahil sa naiiba niyang katangian. Isang hakbang na agad hinusgahan ng lipunan.
Tulad ni Agatha, isang international relations graduate, na bagamaโt walang kakulangan sa talino at husay, ay agad nahusgahan dahil sa kanyang kapansanan. Sa panayam ng BusinessMirror, mariin niyang sinabi:
โAs a PWD, you shouldnโt be rated that way, because your capabilities and your limitations are different.โ
Siyaโy buhay na patunay na sa lipunang ito, laganap ang pang-aalipusta sa mga marangal na nagsusumikap. Kagaya niya, matindi at tila walang humpay ang diskriminasyong bumabalot sa mga may kapansanan โ paulit-ulit na pagkakait ng dangal, pagkakataon, at karapatang makisabay sa agos ng kabuhayan. Ang bawat pintuang isinara sa kanyaโy sumasalamin sa bawat pilit tinatalikuran ng bayan.
Sa kabila ng pagyurak ng dangal, taas-noo sa mundong mapanghusga.
Abot-kamay na Linggo
Kailan sasabay ang lipunan sa kanilang tapang? Mula sa tagumpay sa entablado ng mundo hanggang sa mga palakpak na hatid ng dangal, dumarami rin ang mga PWD na umaakyat sa rurok. Ngunit sa likod ng bawat panalo, nananatiling talo at bigo ang katotohanan โ mahigit 80% sa kanila ang naiiwang walang trabaho. Tila hindi pa rin handa ang lipunan, kahit gaano katindi ang tiyagang kanilang ipinaglalaban.
Tanaw sa pananabikan ang bawat hampas ng unos at bawat sugat ng panghuhusga na hinaharap ng mga Pilipinong may kapansanan โ hindi bilang kahinaan, kundi bilang patunay ng lakas na hindi kayang harangan.
Paano nga ba sila naiiba, kung sila rin ay anak ng bayan? Matagal na silang nangangarap, kahit sa kalagayang pilit silang nililimita. Ang tunay na pagbabagoโy hindi sumisigaw ng biglaan; tahimik itong umuusbong sa maliliit na kabutihan, patungo sa inaasam nilang kaginhawaan. Hindi pa tuluyang pundi ang pag-asa. |