Sabi nila, “Ang mga tala’y mananatiling nakikita sa langit.”
Paano kung sabihin kong nakita ko itong bumaba?
Habang naglalakad sa gabi, hinagkan ako nito.
Sa bawat yapak ko’y binibigyang-liwanag nito ang aking gabi.
Wala itong imik at sinabayan akong tahakin ang daang hindi ko pa napaglalakbayan.
Maliwanag, ngunit sapat lamang upang hindi ako masilaw.
Sa kadilimang walang makita—kahit ang hinaharap—may liwanag na gumabay sa akin.
Wala mang kasiguraduhan ang daang tinatahak, sapat na ang liwanag habang ako’y naglalakbay.
Hindi ako nag-iisa sa kadiliman dahil sa liwanag niyang dala—liwanag na nakaukit sa kanyang kaluluwa.
Hindi ito makukuha ni mananakaw.
Mananatili sa kaniya ang kaniyang liwanag.