Hindi lamang simpleng antok o pagod ang hatid ng matinding pagpupuyat, ngunit meron itong malaking epektong pangmatagalan at seryosong pinsala sa utak. Ang pag-trigger nito ng proseso kung saan ang utak ay ‘kumakain’ ng sarili nitong koneksyon.
Ang nasabing proseso ay tinatawag na chronic sleep deprivation o labis na kakulangan sa tulog na maaaring magdulot ng seryosong pinsala sa utak. Itinukoy ito ng mga siyentipiko bilang “cellular cannibalism,” kung saan ang ilang braincells na dapat lamang ay nag-aayos ng sirang bahagi ng utak ay nagiging sobrang aktibo. Sa pagiging aktibo nito, sinisira na nito ang mga synapes, na ang mahalagang ugnayan na nagbibigay daan para sa mga neurons sa katawan na makipagpalitan ng impormasyon.
Sa mga paglipas ng panahon, ang tuloy tuloy na pagpupuyat ay maaaring magresulta ng mahinang memorya, pagbaba ng cognitive function, at pagbilis ng pagtanda ng utak.
“Kapag kulang ang tulog, ang utak ay pumasok sa survival mode,” paliwanag ng isang mananaliksik na si Dr. Matthew Walker. “Bilang epekto, nababawasan ang koneksyon ng mga neuron na mahalaga para sa normal na pag iisip,” kaniyang idinagdag.
Bagama’t ang paminsan-minsang pagpupuyat ay hindi nag-iiwan ng pinsala, binigyang-diin na ang chronic sleep deprivation ay may pangmatagalang epekto sa kalusugan ng utak.
Makikita sa pananaliksik na ang maayos at sapat na tulog ay hindi lamang para manatiling gising at alerto sa araw-araw, kundi mahalaga ring proteksiyon upang mapanatiling malusog ang neurons at ang buong nervous system.