Sinuspende ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa darating na Hulyo 23, 2025 bunsod ng Habagat.
Apektado ng suspensyon ay ang mga lalawigan sa Ilocos Region, kabilang ang: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
Sa Cordillera, kabilang ang Benguet at Abra habang sa Central Luzon ay Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, at Bataan.
Saklaw rin ng suspensyon ang buong National Capital Region (NCR), at sa CALABARZON, walang pasok sa Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, at Quezon.
Sa MIMAROPA, kabilang ang Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Palawan.
Sa Bicol Region, suspendido rin ang pasok sa Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, at Masbate.
Sa Western Visayas, apektado ang Antique at Guimaras habang sa Negros Island Region ay Negros Occidental.
Samantala, ang pasok sa mga pribadong kumpanya ay nakadepende pa rin sa abiso ng kani-kanilang employer.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan at PAGASA para sa karagdagang impormasyon.