Nilusob at nilooban ng mga nagpoprotesta ang mga bahay ng ilang mambabatas at isang minister ng Indonesia, sa gitna ng marahas na kilos-protesta laban sa umano’y sobra-sobrang pribilehiyo ng mga opisyal.
Nilimas ang bahay ni Ahmad Sahroni, isang kinatawan ng National Democrat Party, kung saan kinuha ang mga mamahaling relo, designer bags, alahas, at maging ang isang life-sized na figurine ni Iron Man, habang winasak naman ang kaniyang sports car.
Samantala, ninawakan din ang tirahan ni Finance Minister Sri Mulyani, na naging dahilan upang humingi siya ng paumanhin sa publiko at ilarawan ang insidente bilang isang “sakuna,” bagaman hindi niya tinukoy ang tiyak na mga nawalang gamit.
Kabilang din sa mga pinasok ang bahay ng mga dating artista na naging pninakaw gaya ni Surya Utama at ang komedyanteng si Eko Hendro Purnomo, kung saan ikinalungkot ni Utama na pati ang kaniyang mga alagang pusa ay ninakaw.
Ayon sa mga tagasuri ng karapatang pantao, tila “planado” ang mga pagnanakaw habang iniulat ng mga opisyal na ang mga karahasan ay isinahimpapawid nang live at kumita mula sa mga digital donations na konektado pa umano sa mga online gambling network.
Inanunsiyo naman ni Pangulong Prabowo Subianto ang pagbabawas sa housing allowance ng mga MP at pansamantalang pagpapatigil ng mga biyahe nila sa ibang bansa.
Nag-utos rin ito sa militar at pulisya na magpatupad ng mas mahigpit na aksyon habang nagpapatuloy ang mga kilos-protesta at sagupaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | via Krysthea Charizze Abagon, PressroomPH