𝘃𝗶𝗮 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗕𝗮𝗰𝘂𝘀
Ngayo’y ang araw ay maliwanag na sumikat,
Mga Pilipino’y patuloy na nagsisilbi ng tapat.
Kalayaan ng bayan, ngayon ay nakamtan.
Pilipinas, ngayo’y tuluyan nang malaya, hindi katamtaman.
Mga bayani’y binaha ng dugo,
Kahit pa’y mabaril man ang mga bungo,
Sa bawat wagaygay ng bandila,
Sama-sama para sa Inang dakila.
Oh, aming Inang Bayan,
Ika’y hindi na muling magsasamantalahan.
Sapagkat ang iyong kaanaka’y
Mas matibay na sa tangkay.
May pag-asa ng bayan,
Sapagkat naudyot na ang kabulukan.
Nagliliyab ang pag-asa ng masa,
Watawat ng Pilipinas ay itaas!